LEGAZPI CITY – Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army na namatay sa engkwentro sa Barangay Gulang-gulang, Irosin, Sorsogon.
Nagkasagupaan ang tropa ng 22nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa pangunguna ni Lt.Col. Nelson Mico at nasa 10 rebelde habang nasa security operation ang mga otoridad.
Kabilang sa mga nakumpiskar sa naturang operasyon ang anim na anti-personnel mines, commercial radios, 50-meter electrical wire at backpack.
Wala namang naitalang sugatan sa hanay ng gobyerno.
Maaalala na nitong mga nakaarang araw sumiklab rin ang serye ng mga engkwentro sa lugar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang NPA members at pagkakarekober ng mga high powered firearms.