Residents of Barangay Poblacion, Mobo, Masbate are slowly getting back on their feet and smiling after the damage caused by Typhoon Opong. However, according to Barangay Poblacion Disaster Risk Reduction and Management Action Officer Mary Ann Ocsing in an interview with Bombo Radyo Legazpi, they cannot help but think that it will be difficult for them to recover, especially since about 300 houses have been declared totally damaged.

LEGAZPI CITY – Unti-unting bumabangon at nakangiti ang mga residente ng Barangay Poblacion, Mobo, Masbate matapos ang pinsalang idinulot ng Bagyong Opong.

Gayunman, ayon kay Barangay Poblacion Disaster Risk Reduction and Management Action Officer Mary Ann Ocsing sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi nila maiwasang isipin na mahihirapan silang maka-recover lalo pa’t nasa 300 na bahay ang idineklara nang totally damaged.

Nagsilbing eye-opener din sa kanila ang pinsalang idinulot ng bagyo pagdating sa imprastraktura dahil sa kanilang barangay pa lamang ay 7 silid-aralan ang nasira matapos matumbahan ng mga puno at maging ang covered court nila ay hindi rin nakaligtas na naging dahilan para mahirapan silang magsagawa ng evacuation efforts.

Binigyang-diin din niya na ang kinakaharap nilang problema sa kasalukuyan ay ang pagkaubos ng mga materyales sa hardware na ginagamit sa pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan.

Sinabi ng opisyal na namahagi na sila ng Department of Social Welfare Development family foodpacks sa lahat ng pamilya sa kanilang barangay gayundin sa mga donasyon ng iba’t ibang grupo at indibidwal.

Ipinunto din niya na sa mga ganitong kalamidad, hindi lang ang totally damaged na mga bahay ang dapat bigyan ng tulong ng gobyerno kundi lahat ng pamilyang residente ng apektadong lugar ay dapat bigyan ng tulong dahil kailangan din nila nito.

Karamihan sa kanilang mga residente ay sinubukang hanapin ang mga sirang bahagi ng kanilang mga bubong at gumawa ng paraan upang ito ay ikabit upang magsilbing pansamantalang silungan kahit na trapal lamang ang nagsisilbing pader dahil sa kakulangan ng hardware materials at ang pagpapatuloy ng face to face classes ng mga estudyante.

Nilinaw din ni Ocsing na nakikipag-usap din sila sa mga residente na bukas ang kanilang mga multi-purpose hall ngunit iginiit ng kanilang mga residente na itatayo nila ang kanilang totally damaged na mga bahay.