(Photo by City of Masbate Disaster Risk Reduction and Management Office)

LEGAZPI CITY—Natupok ng apoy ang isang bahay sa Purok 3, Barangay Anas, Masbate City.


Ayon kay Masbate City Fire Station, Public Information Officer, Fire Officer 2 Mike Tiden Migo, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi agad nakaresponde ang mga awtoridad sa insidente dahil huli na itong naiulat sa kanila.


Gayunpaman, nagtulong-tulungan ang mga residente sa pag-apula ng apoy upang walang nang ibang bahay ang madamay.


Batay sa imbestigasyon, nasa P10,500 ang halaga ng pinsala at gawa rin umano sa light materials ang bahay.


Sa kasalukuyan patuloy pang iniimbestigahan ng kanilang tanggapan ang sanhi ng sunog.


Sinabi rin ng opisyal na ito na ang pangalawang sunog na naitala sa lungsod ngayong buwan ng Hulyo.


Samantala, mensahe naman si Migo sa mga residente na kung sakaling magkaroon ng sunog ay iwasan muna ang pag-live sa social media, at humingi ng tulong sa mga kinauukulang ahensya upang marespondehan agad ang ganitong mga insidente.