LEGAZPI CITY – Isasailalim sa necropsy ang katawan ng isang Irrawaddy doplhin na nakuha sa Calabanga, Camarines Sur, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol.
Ito ang pinaka-unang stranding incident ng naturang uri ng dolphin sa Bicol na itinuturingna bilang critically-endangered sa buong mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol, pinagtutuunan ng espesyal na atensyon ang marine mammal lalo pa na sa buong Southeast Asia ay halos 100 na lamang ang populasyon nito.
Nabatid na dalawa pa lamang ang sightings nito sa Pilipinas kabilang na ang nakita sa Palawan at Iloilo-Panay Island-Guimaras na 1970s pa nangyari. Pinaniniwalaang mula ito sa West Philippine Sea na first strander rin sa Pacific Ocean.
Pambihira ang naturang aktibidad subalit ikinalulungkot na maktang patay na ang dolphin. Wala namang nakitang sugat sa dolphin na pinaniniwalaang nasa adult size na at malusog naman ang katawan habang ang net entanglement ang rason ng pagkamatay nito.
Hiling pa ni Enolva na agad na ipaalam sa ahensya kung may makitang live stranding incident sa lugar upang agad na mabigyan ng atensyon.