LEGAZPI CITY- Binibigyang atensyon ngayon ng lokal na pamahalaan ng Pio Duran, Albay ang pagbibigay solusyon sa tumataas na kaso ng rabies sa bayan.
Dahil dito ay ipinasa ang Municipal Ordinance 21-72 o Responsible pet ownership.
Ayon sa proponent ng ordinansa na si Pio Duran Councilor Bon Edward Barnido sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na magkakaroon ng mandatory registration at mandatory vaccination sa mga alagang aso sa bayan.
Kasabat pa dito ang patuloy na information at educational campaign patungkol sa rabies at sa tamang pangangalaga ng mga hayop.
Dagdag pa ng opisyal na sa ilalim ng ordinansa ay magkakaroon ng pasilidad para sa animal compound.
Maliban pa dito ay sinabi ni Barnido na magkakaron rin ng human anti-rabies vaccination at rabies case surveillance and monitoring system.
Samantala, ang mga lalabag sa naturang ordinansa ay magkakaroon ng karampatang penalidad gata na lamang ng P2,500 penalty sa mga hindi magpaparehistro at magpapabakuna ng kanilang aso.
Ang mga pet owners naman na tatanggi na itali ang kanilang mga alaga ay papatawan ng P2,000 na penalidad.