LEGAZPI CITY – Handang handa na ngayon ang technical officiating arm ng National Private Schools Athletic Association (PRISAA) para sa larong Basketball ilang araw bago mag-umpisa ang aktibidad na gaganapin sa lungsod ng Legazpi.
Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa Tournament Director at Fiba Commisioner Emmanuel Faraon, sinabi nitong mas pinalakas ngayon ang technical officiating team para masigurong magiging maganda ang bawat laro.
Dumaan ang mga ito sa mahigpit na serye ng trainings at exam sa basketball rules kahit may mga karanasan na ang mga ito sa ibat-ibang liga sa bansa bago mapili.
Dagdag pa ni Faraon na sa 54 technical delegation na mula sa ibat-ibang lugar sa bansa, ang iba rito ay may mga international experience na sa 3×3 at 5 on 5 basketball.
Isang FIBA Commissioner, limang FIBA Referees, isang dating PBA Referee, isang MPBL Referee at mga myembro ng Samahang Basketball ng Pilipinas National referees.
Samantala, pangako ni Faraon na bibigyan ang mga coaches at athletes ng quality officiating sa lahat ng basketball games sa PRISAA.
Umaasa naman ito na magiging intense ang bawat laro dahil magagaling ang mga players ng bawat kupunan na lalahok sa national basketball games mula sa mga pribadong paaralan sa bansa.