Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na mali ang impormasyon na kailangan ng mga pulis na manood ng kanyang charity boxing match laban kay acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ayon kay Torre, ang larawang ipinost ni retired Brigadier General Filmore Escobal sa kanyang social media account ay maling impormasyon.
Ayon sa post ni Escobal sa social media, sinabi niyang mandatory ang mga pulis na dumalo sa Charity boxing.
Tinatanong din niya kung mandatory din ba ang pagbibigay ng donasyon.
Gayunpaman, ipinahayag ni Torre na hindi obligado ang mga pulis na dumalo sa charity boxing match dahil mas kakaunti rin ang nabili nilang ticket.
Ginanap ang boxing match noong Hulyo 26 sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Gayunpaman, hindi sumipot si acting Davao City Mayor Duterte.