LEGAZPI CITY – Inalerto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente na malapit sa Bulkang Bulusan matapos makapagtala ng 45 volcanic earthquakes mula pa kahapon ng alas-5:00 nang madaling-araw, Hunyo 9.
Sa ibinabang abiso ng PHIVOLCS dakong alas-11:00 kagabi, kabilang sa mga naitala ng Bulusan Volcano Network ang dalawang low-frequency volcanic earthquakes.
Karamihan sa mga pagyanig ay mahina at mababaw subalit posibleng maging indikasyon ng phreatic eruption sa mga susunod na oras.
“This is a notice of an increase in seismic activity at Bulusan Volcano. Since 5:00 AM today until as of this release, a total of 45 volcanic earthquakes including two (2) low-frequency volcanic earthquakes have been recorded by the Bulusan Volcano Network. Most of these were weak and shallow events, but may indicate that a phreatic eruption could possibly occur within the next few hours.”
Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan at patuloy ang paalala sa pagbabawal sa pagpasok sa 4-km radius Permanent Danger Zone.