LEGAZPI CITY – Muling nagbabalik ang isa sa pinakamakulat at masayang aktibidad sa lungsod ng Legazpi na Ibalong Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Andy Marbella ang head ng Task Force Kaayusan Legazpi, sinimulan ang aktibidad kahapon sa pamamagitan ng beer plaza sa Sawangan park na nagkaroon ng kantahan.
Ngayong araw, isasagawa naman ang Grand Parade na magsisimula sa Legazpi City Hall papunta sa Sawangan Park.
Magpapagandahan ng costume at patibayan sa performance ang mga pambato ng bawat barangay sa isasagawang street dance presentation.
Bilang paghahanda sa aktibidad, mahigpit na ang pagbabantay ng Task Force Kaayusan sa mga kalye na dadaanan ng parada.
Payo naman ni Marbella sa publiko lalo na sa mga motorista na sumunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng lokal na gobyerno at magpark sa tamang lugar upang maiwasan ang matinding traffic.