Sa gitna ng hinaing ng mga local hog raisers ay plano ng Department of Agriculture na tapyasan ang pag-aangkat ng Pilipinas ng karneng baboy.
Ayon sa tanggapan na planong bawasan ng 60,000 metric tons ng pork import upang makapagdagdag ng 10% na supply mula sa lokal na produksyon.
Umaasa ang DA na sa pamamagitan nito ay maibabangon ang local hog industry na sinalanta ng African Swine Fever.
Target kasi ng DA na mas mapalakas pa ang lokal na produksyon upang maibangon ang mga local hog raisers sa bansa.
Dagdag pa ng agriculture department na magagamit dito ang P2.1 billion na pondo para sa modified repopulation program.