Senador-judge Alan Peter Cayetano

Ibinasura ng Senate impeachment court ang mosyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban muna ang determinasyon ng threshold na kinakailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na paglilitis dito.

Sa botong 13-6-1 ay ibinasura ang naturang mosyon na ipagpaliban ang nakatakdang botohan sa threshold ngayong Setyembre 23.

Tanging anim na senator-judges ang pumabor kay Cayetano.

Pumabor sa apela ni Cayetano sina Senators Pia Cayetano, Imee Marcos, Robin Padilla, gayundin sina Senators Bong Go at Camille Villar habang nag-abstain naman si Senator Mark Villar.

Nangangahulugan itong itutuloy ng Senate Impeacment Court na talakayin at pagbotohan kung tuluyan bang babaguhin ang denominator sa 2/3-vote treshold.

Matatandaan na si Senator-Judge Erwin Tulfo ang naghain ng mosyon na magkaroon ng reconsideration sa 16 vote threshold.