LEGAZPI CITY- Tutol ang ilang mga tsuper sa posibleng pagpapatupad ng “no vaccine, no ride policy” sa mga pampublikong sasakyan ngayon na mataas na naman ang kaso ng COVID 19 sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ramon Dealca ang chairman ng Sorsogon Integrated Transport Federation, ilan sa mga miyembro nilang tsuper ay tinawag umanong “hussle” ang paghingi pa ng vaccination card ng mga pasahero.
Maliban kasi sa dagdag abala para sa mga mananakay, ilang minuto rin na titigil sa pagmamaneho upang maghintay na maipakita ang vaccination card ng pasahero.
Subalit bagaman may ilang kumokontra, tiniyak naman ni Dealca na agad na susunod ang transport group sakaling ipatupad na rin ito sa lalawigan lalo pa at layunin lamang na maprotektahan ang publiko laban sa COVID 19.