LEGAZPI CITY – Nakatanggap na ng mga impormasyon ang Maritime Industry Authority (MARINA) V hinggil sa posibleng adjustment sa singil ng shipping companies sa mga passenger vessel.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay MARINA V Legal Officer Atty. Sheryl Fernando, kaninang umaga lamang ay nakatanggap sila ng tawag mula sa shipping company na may rutang Tabaco-Catanduanes.
Deregulated naman ang pagtatakda ng rates ayon sa guidelines ng Republic Act 9285 at nakabase sa operators na kailangan lamang bantayan ng MARINA.
Magkakaroon lamang ng intervention ang MARINA kung sobra ang itinaas na rates ng mga ito. Maaalalang una nang nakiusap ang MARINA noong Marso 2020 na huwag munang magtaas ng rates dahil makaka apekto ito sa publiko.