Several senior citizens chose to visit the graves of their loved ones at Forest Lake Memorial Park in Legazpi City this Undas.

LEGAZPI CITY – Pinili ng ilang senior citizen na agahan ang pagbisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Forest Lake Memorial Park sa Legazpi City ngayong Undas.


Ayon kay Florencio Abalos Jr., sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi maaga siyang dumalaw sa kaniyang mga mahal sa buhay upang makaiwas sa dagsaan ng mga tao at dahil na rin sa banta ng influenza.


Bukod sa pagkabahala na mahawaan ng sakit ay inagahan na rin nila ang pagdalaw upang linisin ang puntod ng kanilang kapamilya na dahil ito ang paraan ng pagbibigay-respeto.


Aniya, imbes na magpapalipas sana sila ng gabi ay mas minabuti na lamang nila na umaga gawin ang kanilang pagbisita upang hindi umano mainit ang panahon.


Hinimok din ni Abalos ang kanyang mga kapwa senior citizen na bumisita nang maaga sa mga sementeryo at huwag makipagsabayan sa mga dagsaan ng mga tao upang maiwasan ang anumang sakit na maaaring makuha nila.