Pinabulaan ngayon ng ilang mga senador ang mga agam-agam na may nagpa-plano na patalsikin si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero.

Ito ay apat na buwan lamang matapos umupo ang senador bilang pinuno ng Senado.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na walang katotohanan ang mga espekulasyon na siya ang papalot kay Escudero, lalo pa aniya na kumportable naman siya sa pamumuno nito.

Aminado si Estrada na maging siya ay nabigla rin ng lumabas ang naturang nasabing haka-haka.

Siniguro rin ni Estrada na mayorya ng mga senador ay suportado ang lidetaro ni Escudero.