LEGAZPI CITY – Napipilitan na ang karamihan sa mga residente sa Bangladesh na magsagawa ng kilos protests dahil sa kakulangan ng tulong na natatanggap sa kabila ng coronavirus crisis.
Ayon kay Salim Admin, Filipino resident sa Chittagong sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, marami ang mahihirap sa bansa habang walang kapasidad ang pamahalaan na tumulong sa lahat.
Ngayon na ipinatigil ang trabaho lalo na at karamihan ay mga factory workers, umaasa lamang ang mga ito sa tulong mula sa pamahalaan subalit walang ipinapaabot na relief packs.
Imbes na sardinas at iba pang instant goods, isda, bigas, asukal at gulay ang ipinamimigay sa ilang residente.
Dagdag pa nito na walang problema sa masks ang mga tao habang nagbalik na sa normal ang bilihan ng alcohol matapos maitala ang pagkakaroon ng panic buying.
Ang Bangladesh ang ikawalo sa buong mundo na may pinakamaraming populasyon.