Malaki ang tiwala sa mga bakuna laban sa COVID-19 ng isang Pilipino na naninirahan sa Texas, USA matapos na makatanggap na ng dalawang doses ng Pfizer vaccine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Freddie Legaspi, permanent resident na sa naturang estado, malaking tulong ang bakuna sa kaniyang kalusugan matapos na una nang tamaan ng coronavirus disease.
Pagbabahagi ni Legaspi na nagpositibo siya at kaniyang asawa asawa sa virus noong nakaraang taon kung saan umabot pa sa kritikal ang sitwasyon.
Mula umano nang mabakunahan ng bakunang gawa ng Pfizer, naniniwala itong mas naging ligtas ang kalusugan laban sa banta ng naturang sakit.
Kaugnay nito, kaisa si Legaspi sa mga nanghihikayat sa mga kapwa Pinoy na magpabakuna dahil malaki ang maitutulong nito bilang proteksyon sa nakakamatay na sakit.
Sa ngayon, nananatiling istrikto ang minimum health protocols sa Texas kung saan bukas na rin ang ekonomiya matapos na pasimulan ang vaccination program na nagresulta sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.