LEGAZPI CITY – Ilang mga Pilipino ang nais ng bumalik sa Pilipinas matapos na maglunsad ng malawakang pag-atake ang Iran sa Israel.
Ayon kay Shay Kabayan ang Bombo International News Correspondent sa Israel, may mga kapwa overseas Filipino workers ang kanyang nakausap na nakikipag-ugnayan na ngayon sa embahada upang makabalik sa Pilipinas.
Karamihan umano sa mga ito ay natatakot para sa kanilang seguridad ng masaksihan ang halos bawat oras na pagtunog ng serena na senyales na mayroong papalapit na missiles o drones ng Iran.
Ayon kay Kabayan, lahat ng mga residente ng Iran ay nan anatali ngayon sa mga bomb shelters na ligtas mula sa mga pag-atake.
Maririnig rin ang pagsabog ng mga rockets ng iron dome sa ere na nag-iintercept sa mga missiles at drones.
Subalit sa kabila ng nangyaring pag-atake, tuloy pa rin ang trabaho ng karamihan sa mga Pilipino lalo na ang mga domestic helpers.