Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Lumutang ang mga impormasyon na nagkakaroon ng negosyo ang ilang mga persons deprived of liberty (PDLs) habang sila ay nasa loob ng mga detention facility.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na iniimbestigahan na ng kanilang hanay ang naturang mga unregulated na mga negosyo.

Sinabi ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na isolated case lamang ang ganitong mga aktibidad na nangyayari sa loob ng mga kulungan at sinigurong mapapanagot ang sinumang nagkaroon ng paglabag.

Ang imbestigasyon ay kasunod ng mga ulat na may isang inmate sa Lapu-Lapu City Jail na umano’y kumita mula sa pagpapautang at pagbebenta ng produkto sa loob ng pasilidad.

Kabilang sa mga nangyayaring transaksyon ay ang pagbebenta ng pagkain at pagpapautang.