price freeze
price freeze

LEGAZPI CITY—Nag-isyu ng notice of violations ang Department of Trade and Industry Bicol sa walong negosyante na nabigong magsunod price freeze matapos ang pananalasa ng bagyong Opong sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Department of Trade and Industry Bicol Assistant Regional Director Joseph Rañola, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ilan sa mga lumabag sa pagpapatupad price freeze ay ang mga establishimiyento ng construction materials, price tags sa grocery stores, at maging ang iilang water refilling stations.

Dagdag pa niya, papatawan nila ng parusa ang mga lalabag dahil isa itong uri ng pagsasamantala sa mga mamimiling naapektuhan ng bagyo sa nasabing lugar.

Samantala, pinaalalahanan din ni Rañola ang mga mamimili sa Masbate na alamin ang kanilang mga karapatan at responsibilidad sa pamimili; gayundin na dapat makipag-ugnayan sa mga hakbang ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga problemang kinakaharap tuwing may kalamidad sa kanilang lugar.

Binigyang-diin ng opisyal na ang pagpapatawag nila sa mga negosyanteng lumalabag sa mga regulasyon ng ahensya ay hindi para pahirapan ang mga ito kundi upang mas matutuhan ang maayos na pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo gayundin upang sila ay makinabang maging ang kanilang komunidad.