LEGAZPI CITY- Sugatan ang ilang mga motorista at pasahero matapos ang karambola ng mga sasakyan sa Barangay Agos sa bayan ng Polangui, Albay.

Ayon sa paunang impormasyon na sangkot sa aksidente ang tatlong mga sasakyan at dalawang motorsiklo.

Patuloy naman na inaalam ang kabuuang bilang ng mga nasangkot sa aksidente.

Dahil sa tindi ng impact ng aksidente ay tumagilid pa ang isang van habang matinding pinsala naman ang tinamo ng mga motorsiklo.

Agad naman na nagtungo sa pinangyarihan ng aksidente ang mga kinauukulan.