LEGAZPI CITY- Pansamantalang nagsara ang ilang mga gasolinahan sa lungsod ng Legazpi at bayan ng Daraga at Camalig dahil sa kawalan ng suplay ng produktong petrolyo.
Nabatid kasi na naantala ang deliveries dahil sa naitalang mga pagbaha sa ilang bahagi ng Bicol region dulot ng nagdaang bagyong Kristine.
Kabilang sa mga pansamantalang nagsara ang Jetti habang ang LB Alta naman sa lungsod ng Legazpi ay kumpleto pa ang suplay subalit kakaunti na lamang umano.
Sa Shell naman sa bahagi ng Lapu-Lapu ay v power diesel na lamang ang available at hindi pa mabatid kung kailan darating ang suplay.
Samantala, sa pag-iikot ikot ng Bombo Radyo News Team ay mayroon ng ilang motorista ang nagpa-panic buying at nagdadala na ng containers upang makapag-imbak ng gasolina.