LEGAZPI CITY- Hindi pa rin nagpapatinag ang ilang mga residente sa bayan ng Camalig, Albay at patuloy na bumabalik sa loob ng 6km permanent danger zone.
Ito ay kahit pa patuloy ang ipinapakitang mga aktibidad ng bulkang Mayon at patuloy rin ang pagbabawal ng lokal na pamahalaan na huwag ng pumasok sa nasabing lugar dahil sa peligroso ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ernesto Nantes, Brgy. Tanod sa isa sa mga barangay na kasama sa permanent danger zones, ang Quirangay, mayroong mga naaawa sa sitwasyon ng mga residente kung kaya’t pinapayagang bumalik sa kani-kanilang mga bahay.
Ayon kay Nantes, karaniwan sa mga bumibisita sa kanilang mga tahanan ay nais na personal na mabisita ang mga naiwang alagang hayo kasama na ang baka, kalabaw, kambing at iba pa na hindi nailipat o ayaw o-evacuate sa takot na mapabayaan sa relocation area.
Nakakaalis naman umano sa mga evacuation centers ang evacuees kapalit ng mga kondisyon, kabilang na rito ang pagsulat ng kanilang mha pangalan sa listahan o sa logbook, tukad nong kung anong oras umalis, at anong oras makakabalik. 40 minutes din aniya ang minimum na oras na ibinibigay sa kada evacuees at hindi pupwedeng lumagpas hanggang alas-6 ng gabi at dapat ay nakabalik na sa evacuation centers.
Dagdag pa ni Nantes, sinumang hindi susunod sa kondisyon sa evacuation centers ay bibigyan ng parusa kagaya ng pagbawi ng greencard o card na ipinipresenta para mmakakuha ng relief items o ng pagkain.
Samantala, sa ngayon kahit pa nakakaranas ng pag-uulan sa probinsya nigyang linaw ng state weather bureau na hindi ito sapat at walang namomonitor na banta ng lahar, gayon pa man ay patuloy na nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga residenteng malapit sa may ilong na manatiling alerto.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit P150-M na ang natatangap na mga tulong dito sa probinsya mula sa iba’t-ibang ahensya, private sectors, Non-government organizations, habang 75%-80% naman ng provincial calamity fund ang nagamit na sa loob ng mahigit isang buwang pag-aalburoto ng bulkang Mayon.