Some Filipinos are also affected by the flooding incidents in southern Thailand

LEGAZPI CITY- Kabilang ang ilang mga Pilipino sa Thailand sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa distrito ng Hat Yai.

Ayon kay Bombo International Correspondent Toto Cadapan na ipinaabot sa kaniya ng ilang mga Pinoy sa lugar ang kanilang sitwasyon upang humingi ng tulong.

Matatandaan kasi na ilang araw ng nakakaranas ng malakas na mga pag-ulan sa lugar na nagdulot ng hanggang lagpas taong pagbaha lalo na sa mga malalapit sa mga ilog.

Nabatid na umapaw ang ilang mga ilog sa Hat Yai na nagdulot ng paglikas ng mga apektadong residente.

Dagdag pa ni Cadapan na sa kasalukuyan ay mayroon pa ring mga kalsada na hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa taas ng tubig-baha.

Aniya, nawalan rin ng supply ng tubig at kuryente ang ilang bahagi ng Hat Yai kaya dagdag pa ito sa suliranin ng mga apektadong residente.

Samantala, nagpaabot na umano ng tulong ang pamahalaan ng Thailand sa mga apektadong residente kabilang na ang mga dayuhan na naninirahan sa lugar.