LEGAZPI CITY- Stranded sa ilang mga pantalan sa Bicol region ang ilang mga pasahero at rolling cargoes.
Ito matapos na magkansela ng biyahe ang ilang mga shipping companies kasunod ng pagtataas ng tropical cyclone wind signal sa ilang mga lugar sa bansa dulot pa rin ng bagyong Enteng.
Batay sa tala ng Coast Guard District Bicol, nasa 750 na mga pasahero ang naantala ang biyahe mula sa mga pantalan ng anim na lalawigan kabilang na ang mga pantalan sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Nasa 259 na mga rolling cargoes naman ang stranded sa buong rehiyon habang 26 na rolling cargoes ang hindi nakapag biyahe.
Matatandaan na karaniwang kinakansela ang biyahe kung mayroong nakataas na tropical cyclone wind signal sa point of origin at sa point of destination.