LEGAZPI CITY- Naging matagumpay ang nasa ilang linggo na pagpapatagisan ng mga atleta sa Private Schools Athletic Association 2024 na ginanap sa Legazpi City.

Sa isinagawang closing ceremony ay naging panauhing pandangal si Senator Bong Go.

Pormal na rin na isinagawa ang turn over ceremony sa Region II na magigin susunod na host ng naturang sporting event sa 2025.

Sa kasalukuyan ay unti-unti na ring umuuwi sa kanilang mga rehiyon ang ilang mga atleta.

Habang ang iba naman ay inaasahang mananatili pa sa Albay hanggang sa Linggo upang makapag ikot pa sa ilang tourist destinations sa lalawigan.

Samantala, nangibabaw sa Senior Division ang Central Visayas na sinusundan ng Western Visayas at pangatlo ang Cordillera Administrative Region.

Sa Junior Division naman ay nanguna sa ranking ang Bicol region na sinusundan ng Calabarzon at ikatlo ang Western Visayas.