MAYON EVACUEES TENTS

LEGAZPI CITY – Pilit na nilalapatan ng solusyon ngayon ng ilang Mayon evacuees ang problema sa tumutulong mga tents sa tent city sa San Jose, Malilipot, Albay.


Ayon kay Kagawad Feliciano Binos ng Barangay Calbayog sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tuwing nakakaranas ng maulan na panahon ay tumutulo rin ang tinutuluyan mga evacuees.


Nag-request na umano sila ng trapal na maaaring ipatong sa bubong ng naturang mga tent subalit kulang pa ang naibibigay sa kanila sa kasalukuyan.


Dahil dito ay pinangangambahan na magkaroon ng sakit lalo na ang mga bata ay may edad na.


Paliwanag ni Binos na napakainit ng temperatura tuwing araw sa loob ng mga tent subalit labis na lamig naman tuwing gabi kaya posibleng magkaroon ng sakit ang  mga evacuees.


Kaugnay nito ay nanawagan ang naturang opisyal na agad masolusyunan ang suliranin na kinakaharap ng mga apektadong residente.


Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang isinasagawang cash for work program sa naturang lugar upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkang Mayon.