LEGAZPI CITY- Nangangamba ang grupong Ban Toxics matapos madiskubre na talamak pa rin ang bentahan ng mga mapanganib na beauty products sa bansa.
Sa pag-iikot ng grupo sa ilang mga lalawigan ay nadiskubre na mayroong mga pampaputi na nagtataglay ng mapanganib na kemikal ang nabibili na rin sa mga pharmacies.
Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangang mabantayan ang mga local drug stores upang masiguro na dekalidad na mga produkto ang ibibenta ng mga ito.
Paliwanag ng opisyal na hindi dapat pinapayagan ang naturang mga botika na manguna sa pagbebenta sa publiko ng mga produkto na nakakasira sa kalusugan.
Ang pag-iikot ng grupo sa iba’t ibang lugar sa bansa ay bahagi ng market monitoring upang masigurong wala ng mga ibinibentang produkto na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration.