LEGAZPI CITY- Boluntaryong nag-commit ang ilang manufacturers ng 60 araw na price freeze sa ilang mga produkto.

Ayon kay Department of Trade and Industry Consumer Protection Division Chief Ruben Sombon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ito na umano ang naging tulong ng ilang manufacturers sa gitna ng tumataas na inflation sa bansa.

Kabilang sa mga produktong isasailalim sa price freeze ay ang powdered milk, canned milk, bottled water at ilang delata.

Sinabi naman ng ahensya na inaasahan na magiging malaking tulong ang naturang hakbang para sa mga consumers na nahihirapan ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Samantala, sinabi ni Sombon na inaasahan na sa mga susunod na araw ay madaragdagan pa ang mga manufacturers na magpapatuoad ng price freeze sa kanilang mga produkto upang makatulong sa mga mamamayan.