LEGAZPI CITY- Hindi nasunod ang nais ni Football legend Pele na mailibing sa ika-siyam na palapag ng 14-storey building na vertical cemetery sa Brazil kung saan siya nakabili ng nitso labingsiyam na taon na ang nakakaraan.
Mas pinili kasi ng pamilya na sa unang palapag ito ilibing upang hindi mahirapan ang mga tagahanga nito.
Nabatid na ang tatay ni Pele ay isa ring dating football player at may jersey number na 9.
Ang ika-siyam na palapag rin ng vertical cemetery ay nakaharap sa Santos stadium kung saan nagsimula ang karera ng King of football.
Ayon kay Bombo International Correspondent Honey Cristy, kabilang sa mga dumalo sa libing ni Pele si Brazilian President Lula da Silva kasama ang first lady ng bansa, ilang kilalang politiko, local celebrities at maging ang tatay ng football star na si Neymar.
Nabatid na ang ilang fans naman ni Pele ay nag-organisa ng mga banda ay nagkaroon ng mga paputok bilang pagbibigay pugay sa football legend.