Hindi na lamang ang mga US voters ang nananawagan ngayon na tuluyan ng umatras si US President Joe Biden sa muling pagtakbo sa presidential elections.
Maging ang mga Democrats politicians kasi na kaalyado ng pangulo ay pinayuhan na ang kanilang frontrunner na magpahinga na sa politika.
Matatandaan na nag-ugat ang mga panawagan sa naging mahinang performance ni Biden sa debate nito kay Republican frontrunner Donald Trump.
Marami kasi ang may pagdududa na kaya pang gampanan bi Biden ang pagiging pangulo ng isa sa pinakamakapangyarihang bansa, sa loob ng isa pang termino dahil sa edad nito.
Nabatid na maging ang beteranong Democratic politician at matagal ng kaalyado ni Biden na si Nancy Pelosi ay nanawagan na magpasya na ang pangulo para sa ikakahanda ng bansa.
Hanggang sa kasalukuyan kasi ay matibay ang paninindigan ni Biden na magpapatuloy ito sa pangangampanya.