LEGAZPI CITY – Isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ ) ang halos halat ng bayan at lungsod ng lalawigan ng Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Health Officer Dr. Estela Zenit, nakabase ang bagong inilabas na Executive Oder no. 16 series of 2021 ni Governor Al Francis Bichara sa report ng Department of Health (DOH) Bicol kung saan patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lalawigan.
Kung kaya inamiyendahan ang EO no.14 na inilabas noong Mayo 31.
Napagkasunduan ng Bicol Inter-Agency Task Force at local chief executives na isailaim ang ilang lungsod at bayan sa Albay hanggang June 15, 2021.
Maliban na lamang sa bayan ng Rapu-Rapu at Jovellar na nasa minimal risk lang ng COVID-19 cases.
Habang nasa high risk naman ang Legazpi City, Guinobatan, Tiwi at Malinao; moderate risk naman ang Ligao City, Oas, Camalig, Polangui, Pioduran, Daraga, Libon,Manito, Sto. Domingo, Malilipot maging ang Tabaco City at nasa minimal risk ang bayan ng Bacacay.
Ipinag-utos na rin sa lahat ng local government units na magpatupad ng mas striktong health protocols batay sa huling Omnibus Guidelines noong May 20,2021 na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease kaugnay sa GCQ category.
Dahil dito lilimitahan ang galaw ng mga tao, kapasidad ng ilang mga establisyemento maging ng mga pasyalan at iba pa upang maiwasan ang pagkumpulan ng mga tao.