LEGAZPI CITY- Maraming mga basketball fans ang nag-abang ng pagtatapatan ng kanilang sinusuportahang team sa Eastern Conference Finals.

Hawak na ngayon ng Boston Celtics ang kalamangan sa serye matapos ang 133-128 victory laban sa Indiana Pacers sa Game 1 ng Eastern Conference Finals.

Naging mainit ang unang paghaharap ng dalawang koponan kung saan nauwi pa ang laban sa Overtime.

Pinanguhanan ni Jayson Tatum ang Boston na nakapagtala ng 36 points habang nag-ambag naman ng 15 points si Derrick White.