LEGAZPI CITY-Ilang bahagi ng Barangay Masarawag sa Guinobatan Albay ang nakaranas ng pagbaha kasunod ng malakas na pag-ulan sa lugar.


Ayon kay Barangay Masarawag Kagawad Romollo Llona, ​​​​sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagkaroon ng pagbaha sa purok 4 at purok 8 sa kanilang barangay kung saan humupa lamang ito at kasalukuyan nang nadadaanan ng mga sasakyan.


Sinabi rin ni Llona na napag-usapan na ng kanilang barangay council kabilang si Governor Noel Rosal hinggil sa pagbaha sa kanilang lugar at nagbigay din ng garantiya ang gobernador para masolusyunan ang problema.


Magsisimula na rin ang desilting at dissolving ng mga kanal ngayong linggo upang maiwasan ang pagdaloy ng tubig sa mga kalsada.


Dagdag pa niya na kailangan ng kaunting bentahe sa dredging sa itaas na bahagi ng kanilang covered court na magpapalalim sa mga kanal.


Hinimok din ng opisyal ang mga residente sa kanilang barangay na mag-ingat lalo na sa mga naapektuhan ng baha.