LEGAZPI CITY- Aminado ang mga residente sa Estados Unidos na maging sila ay hindi inasahan na isang American Pope ang hahalili sa namaalam na si Pope Francis.
Ito matapos ang pagkakapili ni Pope Leo XIV bilang bagong lider ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Bombo International Correspondent Marlon Pecson, direkta sa Chicago, Illinois na hindi naisip ng mga mamamayan sa Amerika na si Cardinal Robert Francis Prevost ang mapipili bilang bagong Santo Papa.
Matatandaan na noong Cardinal pa lamang ay kilala ito sa pagpapahayag ng pagkontra sa mga immigration policies ni US President Donald
Trump at ilan pang mga prinsipyo ng pangulo.
Paliwanag ni Pecson na ang bagong Santo Papa ay karamay ng mga mahihirap at immigrants kaya malaki ang pag-asa ng mga debotong
Katoliko na an mga paniniwala at paninindigan nito ay magdadala ng pressure sa mga polisiya ni Trump.
Mayroon umano itong puso para sa mga mahihirap kaya minamahal ng mga mananampalataya.