Some Albayanos staged a protest in front of the Department of Public Works and Highways Bicol office. According to organizer Domingo Arao in an interview with Bombo Radyo Legazpi, they are calling for the resignation of Regional Director Virgilio Eduarte because he is not properly handling the agency's projects, particularly the left and right road reblocking in the province of Albay.

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng protesta ang ilang Albayano sa harap ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways Bicol.

Ayon sa organizer na si Domingo Arao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nananawagan sila na magbitiw sa pwesto si Regional Director Virgilio Eduarte dahil hindi nito maayos ang mga proyekto ng ahensya partikular na ang kaliwa’t kanang road reblocking sa lalawigan ng Albay.

Binigyang-diin niya na ang mga pagtrabaho ng kalsada ay nagdudulot ng mas matinding pagsisikip ng trapiko sa rehiyon at kung maaari ay dapat na lamang gawin ay ang road widening.

Pinuna rin niya ang pananahimik ng nasabing Regional Director sa anumang proyekto at programa ng kanilang ahensya.

Nilinaw din niya na nagboluntaryo silang magprotesta sa harap ng DPWH Bicol para ipanawagan na ang kanilang proyekto ay wala namang patutunguhan.

Iginiit ni Arao na matagal nang nanunungkulan si Regional Director Eduarte at hindi siya humaharap sa media at nagbibigay ng mga pahayag hinggil sa kanilang mga katanungan.