Nagtungo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ilang grupo ng mga abogado at religious groups upang isampa ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Tulad ng mga naunang reklamo, kabilang ang betrayal of public trust sa mga grounds ng impeachment complaint.

Pinangunahan ang mga ito ni Atty. Amando Virgil Ligutan.

Ayon sa impormasyon, sina Representatiive Gabriel Bordado Jr. at Representative Lex Anthony Cris Colada ang nag-endorso ng naturang reklamo.