LEGAZPI CITY—Patuloy na binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Daraga ang mga barangay na posibleng maapektuhan ng pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng mga nararanasang pag-ulan sa lugar.


Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Daraga, Head, Bim Dineros, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, isa sa kanilang mga binabantayang lugar ang Barangay Kimantong dahil mayroon na ritong mga naitalang landslide noong mga nakalipas na buwan.


Gayunpaman, sa kabila ng walang naitalang landslide sa bayan, nakaranas din aniya ng mga pagbaha ang Barangay Kimantong na kung saan umabot hanggang sa anim na pulgada ang lebel ng tubig.

Gayundin sa Barangay Inarado na kung saan umabot hanggang tuhod ang lebel ng tubig-baha.


Dagdag pa ng opisyal na kanilang binabantayan din ang mga iilang tulay, paaralan, at drainage canals sa nasabing bayan.


Ayon pa kay Dineros na passable naman para sa mga motorista ang mga kalsada sa kanilang lugar.


Samantala, inabisuhan din ni Dineros ang mga opisyal ng barangay sa kanilang munisipalidad na laging i-monitor ang lugar na kanilang nasasakupan upang sila ay makapaghanda at matiyak ang kaligtasan ng kanilang mamamayan.