Nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat sa pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Maria Catalina Cabral upang masiguro na walang foul play sa insidente.
Pigasisiguro rin ng komisyon ang pag-secure sa lahat ng mga dokumento, gadgets at laptop ng dating opisyal.
Matatandaan na isa si Cabral sa mga nasasagkot sa anomalya ng flood control projects sa bansa.
Natagpuan itong wala ng buhay kagabi matapos umanong mahulog sa Kennon Road sa Tuba, Benguet.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang ICI sa naulilang pamilya ni Cabral.










