
Hindi isang tao kundi isang ibong may dalang isda na pinaniniwalaang nagdulot ng matinding apoy sa isang damuhan sa kanluran ng Canada.
Ayon sa kagawaran ng Ashcroft, British Columbia fire department, natagpuan nila ang mga isda matapos tumugon sa matinding sunog mga anim na kilometro sa timog ng bayan.
Naniniwala ang mga bumbero na dinala ng osprey ang mga isda mula sa pinakamalapit na ilog tatlong kilometro ang layo.
Anila, posibleng binitawan ng osprey ang mga isda na tumama naman sa linya ng kuryente na nagdulot ng dry grass fire sa lugar.
Biro ng kagawaran, maaaring magkasakit ang ibon sa sobrang init ng panahon o kaya naman ay magkasakit sa pagkain ng hilaw na isda.
Malubhang nasunog ang isda matapos ang insidente ngunit hindi nasugatan ang osprey, ayon sa Ashcroft fire department.
Naapula ang apoy nang walang karagdagang insidente.