LEGAZPI CITY – Nagbahagi ang Philippine Army, United States asin South Korean Navy nin kanya-kanyang kaalaman sa pagsasagawa ng rescue operations sa mga panahon nin kalamidad.
Bahagi ito ng Humanitarian and Disaster Response Activitiy ng Pacific Partnership Program na dinalohan ng tatlong bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 1Lt. Richmond Salinding ang Core ng Engineering Division ng 525th Engineering Battalion ng Philippine Army, aminado itong napag-iiwanan na ang Pilipinas pagdating sa mga makabagong ekipahe na ginagamit ng ibang bansa.
Kumpara sa Estados Unidos at South Korea na kompleto na ng mga importanteng kagamitan, ang Pilipinas ay kinukulang pa rin sa personal protective equipments, helmet, safety harnest at iba pa.
Subalit hindi naman nagpapahuli ang Pilipinas pagdating sa kaalaman at karanasan sa pagresponde sa mga emerhensya.
Magpapatuloy ang Pacific Partnership sa lungsod ng Legazpi hanggang sa Agosto 12.