LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nakakuha ng 215 na boto galing sa mga mambabatas para ma impeach si Vice President Sara Duterte.
Una ng sinabi ni SecGen na kailangan lamang ng 103 votes o 1/3 votes para umusad ang impeachment complaint pero sa ngayon umabot na ito sa kinakailangang boto.
Inihayag ni Sec Gen. na opisyal niya itong inanunsiyo sa plenary kaugnay sa sitwasyon ukol sa tatlong impeachment laban kay VP Sara.
Batay naman sa isang source na kongresista na as of 12nn kanina ay nasa 140 na ang bilang.
Una ng sinabi ni Sec gen na inasahan na nila ang fast track process sa impeachment complaint.
Una ng inihayag ni Velasco na magiging exciting ang kaganapan sa plenaryo.
Kaninang umaga isinagawa ang isang caucus na dinaluhan ng mga majority congressman.