LEGAZPI CITY-Isinusulong ngayon ang House Bill 7431 o ang tinatawag na Media Personnel Protection and Welfare Act para mabigyan ng kaukulang benipisyo at proteksyon ang mga media workers.


Ayon kay Ako Bikol Partylist Representative Alfredo Garbin, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na layunin nitong palakasin ang labor standards, proteksyon, at benipisyo para sa mga journalist at media workers.


Kasama sa mandatory provision nito, ang pagbibigay ng minimum wages, pagiging regular sa trabaho matapos ang anim na buwan, pagkakaroon ng hazard pay, at mga safety gears kung ma-assign sa mga delikadong lugar o assignment.


Sinuportahan din ito ng marami sa industriya kung saan positibo sila na magkakaroon ng kaukulang proteksiyon sa trabaho.


Marami na rin umano ang sumusulong ng ganitong batas na may kaparehong layunin kung saan nakikitaan rin ng suporta galing sa mga kasamahan sa kongreso.


Inaasahan naman ng opisyal na susuportahan ito hanggang sa kamara at senado sa lalong madaling panahon para mapagusapan at mabigyan ng atensyon ang labor standards ng mga media personnel.