LEGAZPI CITY – Umaasa ang Commission on Election (Comelec) Masbate na magtutuloy-tuloy na ang pagkakaroon ng mapayapang eleksyon sa island province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Comelec Masbate Election Supervisor Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao, walang mga naiulat na mga untoward incident na may kinalaman sa halalan, limang araw bago ang May 9 local at national elections.
Malaking tulong din ang isinagawang peace covenant signing noong Abril 30 ng mga tumatakbong kandidato sa lalawigan na halos isang dekada na ang nakakalipas ng huling magkaroon.
Naniniwala si Bunao na panahon na upang baguhin ang kasaysayan ng magulo at madugong eleksyon sa Masbate.
Nasimulan an aniya noong 2019 ang mapayapang halalan at dapat na ipagpatuloy ito para sa ikabubuti ng lahat.
Samantala, naka-deploy na ang buong puwersa ng security personnel sa lugar upang mapanatili ang mapayapang eleksyon.