LEGAZPI CITY – Itinuturing na ‘special case’ ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga historical landmarks na nakakaharang sa proyekto at kalsada sa ilang lugar.
Sa pagtatanong ng Bombo Radyo Legazpi kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kinontra nito ang pag-alis ng nasabing mga istruktura na bahagi na aniya ng pagkakakilanlan at kultura ng mga Pilipino.
Kinakailangan ring kumuha ng permit mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Museum at National Historical Commission (NHC) kung tatanggalin ang mga ito.
Iginagalang rin ni Malaya ang papel na ginagampanan ng mga nasabing landmarks sa kasaysayan ng lugar.
Dagdag pang iilan na lang ang mga nasabing landmarks na dapat na i-preserba.
Bumisita si Malaya sa Legazpi upang tingnan ang lagay ng road clearing sa obstructions sa lungsod bago ang pagtatapos ng 60 araw na palugit sa pagsasagawa ng mga ito na magpapaso sa pagtatapos ng buwan.