Naging matunog ngayon ang pangalan ni Hillary Clinton na posible umanong pumalit sa presidential bid ni US President Joe Biden.
Ito ay sa gitna pa rin ng malakas na mga panawagan, maging ng mga Democrats na tuluyan ng umatras si Biden dahil sa edad at kalusugan nito.
Lumabas sa isang column na ang dating Democratic presidential candidate na si Clinton ang maaaring pumalit sa 2024 candidacy ni Biden sakaling tuluyan na itong umatras sa kampanya.
Sa kasalukuyan ay hati naman ang opinyon ng ilang netizen kaugnay ng naturang mga impormasyon.
Kung sakali man na mangyari ito ay muling magtatapatan sinda Clinton at Republican Donald Trump na una ng nagharap noong 2016 elections.
Matatandaan na si Clinton ay nagsilbi rin bilang ika-67 na secretary of state ng Estados Unidos sa administrasyon ni dating US president Barack Obama.