LEGAZPI CITY – Nanindigan ang Alliance of Health Workers (AHW) na ipagpapatuloy nila ang hiling sa Professional Regulation Commission (PRC) na matanggalan ng lisensya bilang doctor si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Usec. Lorraine Badoy.
Sa reklamong isinampa ng AHW, nilabag umano ni Badoy ang code of conduct at ethical standards sa medical profession.
Ayon kay Robert Mendoza, presidente ng AHW, dala ito ng patuloy na red-tagging na ginagawa ng opisyal at paninira sa national leaders ng AHW.
Binigyang diin ni Mendoza na wala namang basehan ang mga akusasyon ni Badoy lalo na sa umano’y koneksyon ng AHW sa CPP-NPA-NDF.
Maalalang una ng nagsampa sa PRC ng administrative charges ang grupo laban sa opisyal noong Abril para sa parehong dahilan.