LEGAZPI CITY- Natapos na ang mass culling loob ng 500 meter radius sa mga Barangay Joroan at Bariis matapos na muling makapagtala ng African Swine Fever sa bayan ng Tiwi, Albay.

Ayon kay Albay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na pinakamarami ang naapektuhan sa Barangay Joroan na nasa 224 na mga baboy na pag-aari ng 48 na mga hog raises.

Sa barangay Bariis naman ay kinatay rin ang nsa 37 baboy na pag-aari ng nasa 15 hog raisers habang nadamay naman ang 60 baboy mula sa Barangay Lourdes na pasok sa 500 meter radius.

Nabatid na nakapag kolekta na rin ng samples sa iba pang mga barangay sa barangay at nag-negatibo naman ang mga ito kaya umaasa ang opisyal na hindi na kakalat pa ang African Swine Fever.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng lokal na pamahalaan ay posibleng ang kawalan ng biosecurity ang rason ng pagtama ng naturang sakit sa mga alagang baboy.

Samantala, ipinapasakamay na ng Albay Provincial Veterinary office kung magdi-deklara ng state of calamity ang bayan upang matulungan ang mga apektadong magbababoy.

Dagdag pa ni Mella na magpapaabot ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture gayundin ang lokal na pamahalaan ng Tiwi para sa mga apektadong hog raisers.