illegal drugs
illegal drugs

LEGAZPI CITY—Aabot sa P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs campaign sa nakaraang dalawang linggo ng Setyembre sa lalawigan ng Albay.


Ayon kay Albay Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Nuñez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nasa 39 na indibidwal ang naaresto sa 31 buy-bust operation ng kanilang ahensya kung saan nasa 33 ang kinasuhan.


Gayundin, nasamsam din ang nasa 78 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P531,000.


Aniya, karamihan sa mga naaresto sa nakalipas na dalawang linggo ay drug user at 3 high value individual.


Dagdag pa ni Nuñez, pinaiigting nila ang kampanya laban sa ilegal na droga, gayundin ang pag-uutos sa mga chief of police sa iba’t ibang tanggapan ng mga kapulisan sa Albay na paigtingin ang kanilang buy-bust operations.


Samantala, nagpasalamat din ang opisyal sa mga mamamayan na tumutulong sa pagsugpo sa ilegal na droga sa lalawigan.