Makakaramdang ng kaunting kaginhawaan ang mga motorista kasunod ng nakatakdang big time oil price rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy lumabas sa tatlong trading days na bumaba ang presyo ng imported fuel dahil sa mahinang demand at recession sa ilang malalaking ekonomiya.
Ang kada litro ng gasolina ay magkakaroon ng tapyas na nasa P2.30 hanggang P2.50.
Magkakaroon naman ng P1.90 hanggang P2.10 na rollback sa kada litro ng diesel at P2.35 hanggang P2.40 na tapyas sa kada litro ng kerosene.
Karaniwang ipinapalabas ng oil companies ang pinal na price adjustment tuwing araw ng Lunes at ipinapatupad naman tuwing araw ng Martes.